What's on TV

Marian Rivera, advocate ng mga OFW?

By GIA ALLANA SORIANO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 21, 2017 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Show cause order issued vs vehicle owner, driver in gun toting incident in CDO
Calamities that hit Western Visayas, NegOcc in 2025
Catriona Gray calls for donations for NGO to celebrate her birthday

Article Inside Page


Showbiz News



"Kung ako ang magiging sangkap para matulungan sila, bakit hindi..." - Marian Rivera

Sa interview kay Marian Rivera during her press conference for Tadhana, naitanong ng 24 Oras reporter na si Lhar Santiago kung magiging official advocate na ba para sa overseas Filipino workers (OFW) si Marian Rivera.

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on


Aniya, "Bakit hindi, bakit hindi? Kung ako ang magiging sangkap para matulungan sila, bakit hindi. Nung nakita ko talaga ito [itong 'Tadhana,'] sabi ko, ‘ay maganda talaga itong pagkakataon para sa mga kapwa natin.’ Parang nakakaiyak din, eh. Nung nakita ko talaga parang, ‘ganito pala, ganito pala nae-experience [nila,]’"

Dagdag naman ni Marian, hindi lang mga kuwento ng struggles ng mga OFW ang ipapalabas sa Tadhana, halo-halong genre rin ang lalabas dito.

Paliwanag niya, "Pero sabi ko nga hindi naman lahat ng ipapalabas natin sa Tadhana ay lahat na lang kahirapan nila. May mga pagkakataon din na sasabihin namin kung paano sila naging successful, and mga pinagdaanan nila. And ang maganda diyan is may comedy, and may drama, and at the end of the story may matutunan ka. And masasabi mo na 'grabe talaga ang Pilipino 'pag nagmahal talaga sa pamilya nila, lahat talaga gagawin.'"

Para rin kay Yan, dapat talagang tingalain natin ang mga kababayan natin abroad. Ika niya, "Kaya nga sabi ko after naming magawa ‘yung pilot episode, marami tayong bayani pero dapat isa sa mga kino-consider nating bayani ay itong mga mahal natin sa buhay na umaalis para magtrabaho at magsakripisyo para sa mga mahal nila. Para lang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga mahal nila sa buhay."

 

Tadhana... ??

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Patuloy na sumubaybay sa Tadhana tuwing Sabado, 3:15 p.m. pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.