
Kinaaliwan online ang naging reaksyon ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera nang siya at kaniyang mister na si Dingdong Dantes ay nakakita ng isang iguana sa Sinulog Festival 2026.
Habang sakay ng isang float at nakiki-party kasama ang mga Kapusong Cebuano, nakita ni Marian ang isang taong may dalang iguana.
Agad na tinawag ni Marian ang taong may dala ng exotic lizard at walang kaarte-arte na kinuha ito. Makikita na tuwang-tuwa ang award-winning actress na nagpa-picture sa iguana.
Sa comment ng aktres sa Instagram, favorite raw ito ng kaniyang anak na lalaki. Sabi ni Yan, “Naku, sobrang fave ni Sixto ngayon mga iguana.”
RELATED CONTENT: Sixto Dantes's photos that will melt your heart
Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa cute moment na ito ng Kapuso Primetime Queen sa Sinulog Festival.
Source: marianrivera (IG), dingdongdantes (IG), justalaia, Clyde P., and Edric San Jose (Tiktok)
Bukod kay Sixto, may anak na babae ang DongYan na si Zia. Noong December 2025, ipinagdiwang ng powerhouse couple ang kanilang 11th wedding anniversary.
RELATED CONTENT: Celebrity pets we can't get enough online