
Sa isang exclusive interview with GMANetwork, naikuwento ni Marian Rivera na sa Sunday PinaSaya niya nailabas ang kakulitan at comedic side niya.
Aniya, "Mga natutunan ko sa Sunday PinaSaya is 'yun 'yung show na masasabi ko na isa sa mga naging exercise ko para lumabas 'yung kakulitan ko, at 'yung pagiging natural kong komedyante."
Memorable rin para kay Marian ang mga sketches nila, lalo na kapag uma-adlib na ang mga kasama niya sa show. Ika niya, "At sa tuwing merong sketch kaming gagawin tapos siguro nagugulat ka doon sa mga binabato ng mga kasama mo, [memorable para sa akin 'yung mga 'yun]."
Ngayong two years nang nagpapasaya ang Sunday PinaSaya, natutuwa naman ang Kapuso Primetime Queen na dahil sa show ay maraming Kapuso fans ang napapasaya nila every Sunday.
Aniya, "Syempre, masaya [na two years na kami, kasi] bukod sa nakakapagbigay kami ng ligaya every Sunday, 'yun nga 'yung sabi ko, parang nabuo kami as a family. 'Yun ang isa talaga sa mga pinakaimportante para sa akin."
Dagdag pa niya, "Wish ko na magtuloy tuloy pa ang Sunday PinaSaya para makasama ko sila, at ang maging successful sila sa kanikanilang buhay sa loob at labas ng showbiz."