
Matapos ang kaniyang duty bilang judge sa Miss Universe 2021 na ginanap sa Israel, hindi na rin pinalampas ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang pagkakataong makabisita sa Holy Land kasama ang kaniyang asawa na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Sa Instagram, ipinost ni Marian ang mga larawan nila ni Dingdong at ang ilang mga sagradong lugar sa Holy Land na kanilang pinuntahan.
"Holy land. Another place I've been wanting to go to and being with Mi Amor made it even more special," caption ng aktres sa kaniyang post.
Makikita rin sa kaniyang post ang sweet moments nila ni Dingdong, kabilang na ang pagsisindi nila ng kandila at nakatanaw sa view ng Jerusalem.
Mapapanood sina Marian at Dingdong bilang host ng GMA News and Public Affairs year-end special na Year of the Superhero sa January 01, 2022, 7:45 ng gabi sa GMA.
Samantala, balikan naman ang mga naging OOTD ni Marian bilang Miss Universe 2021 judge sa gallery na ito: