What's Hot

Marian Rivera, ang bet sa beatbox

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 14, 2020 8:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Massive fire kills 6 in Pakistan’s Karachi, destroys shopping center
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi nagpahuli ang Primetime Queen nang siya ay maging guest judge sa North Mindanao Regional Showdown ng 'Bet ng Bayan.' Hindi lang siya bet sa sayawan, bet din siya sa kakaibang talento. 
By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Hindi mapagkakaila na si Marian Rivera ay isa sa pinakahinahangaang artista ngayon.
 
Bukod sa pagiging mahusay na aktres, endorser ng iba’t-ibang produkto at natural na magaling na mananayaw, may nakakabilib din pala siyang kakayahan sa pag-beatbox.
 
Pinakita ito ng Kapuso Primetime Queen nang siya’y pumunta sa Cagayan De Oro para maging isa sa mga hurado ng North Mindanao Regional Showdown ng Bet ng Bayan.
 
Siya’y naging saksi sa husay at talento ng mga taga-Iligan City, Cagayan De Oro at Lanao Del Norte kaya’t ganado at excited siyang nag-judge ng mga Bet sa Kantahan, Bet sa Sayawan at Bet na Kakaibang Talento.
 
Kasama rin niya ang world-renowned singer na si Kuh Ledesma at ang batikang composer na si Louie Ocampo.
 
Mapapanood ang kakaiba at masayang regional showdown sa Bet ng Bayan ngayong Linggo, 9:40 ng gabi, pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.