
Kabilang sa 49th Metro Manila Film Festival o MMFF ang pelikulang Rewind na pinagbibidahan ng real-life couple at A-list Kapuso stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Sa isang panayam, sinagot ni Marian ang katanungan kung ano ang gusto niyang i-rewind o balikan sa kanyang personal na buhay.
Ayon sa Kapuso Primetime Queen, kung magkaroon man ng pagkakataon, tungkol sa kanyang mga anak ang gusto niyang balikan muli. Sagot niya, “Kung may mai-re-rewind siguro ako na parte ng buhay ko… Gusto ko 'yung maliliit pa 'yung mga anak ko. Kasi ngayon ang lalaki na nila. Parang ang bilis pala… Parang mas gusto ko 'yun i-rewind.”
Base sa pahayag ng aktres, nami-miss niya ang mga panahong baby pa ang kanilang mga anak ni Dingdong na sina Zia at Sixto.
Sabi niya, “Hindi naman sa ayokong malalaki na sila pero ang sarap kasi nung maliliit pa sila na wala silang inaasahan kundi si Mama at Dada lang, na nandiyan lang sila sa bahay.”
“Siyempre, ngayon pumapasok na sila sa school… Dati nasa bahay lang kasama ko. 'Yun siguro ang nami-miss ko lang,” dagdag pa ng celebrity mom.
Samantala, bukod sa kanilang acting projects, hands on parents din sina Marian at Dingdong sa kanilang dalawang anak.