What's on TV

Marian Rivera at Boobay, magkasamang bibida sa 'Dear Uge'

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2017 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News



Ito ang isang pagsasama nina Marian at Boobay na dapat ninyong abangan!

Sa unti-unting pagbalik ni Boobay sa trabaho matapos ma-stroke, lagi niyang kasama si Marian Rivera. Sa katunayan, ang dalawang matalik na magkaibigan ay bibida sa Dear Uge ngayong Linggo, February 26.

Gaganap si Marian bilang si Icia, ang simpleng babaeng may simpleng pangarap. Samantala, bibigyang-buhay naman ni Boobay si Madam Martha, isang mayamang businesswoman.

Kilalang terror si Madam Martha. Walang assistant ang tumatagal sa kanya, at sa huling paghahananap niya ay tanging si Icia lamang ang naglakas-loob.

Sa unang araw pa lamang ni Icia ay halos mapapasuko siya dahil sa talim ng dila ni Madam Martha. Ngunit dahil alam ni Madam Martha na wala nang ibang gustong mag-apply bilang personal assistant niya, gagawin niya ang lahat para wag lang itong mag-resign.

Nang unti-unti nang magkasundo ang dalawa, isang sikreto ni Madam Martha ang matutuklasan ni Icia. Ito kaya ang maging dahilan para tuluyan nang umalis si Icia?

Ito ang isang pagsasama nina Marian at Boobay na talagang kaabang-abang. Huwag palampasin ngayong Linggo, February 26, sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge.