
Sa Stars on the Floor, hindi lang ang dance star duos ang naghahatid ng init sa dance floor, kundi pati na rin ang dance authorities na may sariling pasabog.
Sa TikTok, ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kanyang dance cover kasama ang Dance Trend Master na si Coach Jay. Humataw sila sa isang dance trend at ipinamalas ang kanilang nag-iinit na “giling” moves.
“Coach J said: “Let's cook,” isinulat nito sa caption.
Hindi napigilan ng fans na humanga sa dance moves ng dalawang dance authority sa comments section. Marami rin ang pumuri sa kagandahan ni Marian at kapogian ni Coach Jay.
Nagbigay din ng suporta ang isa sa digital dance stars sa naturang programa na si JM Yrreverre na nagsabi ng “Ganon pala yonnnnnnn” na may kasamang fire emoji.
@marianrivera Coach J said: “Let's cook” 🍳🔥 #TikTokTrend #MarianRivera ♬ original sound - Marian Rivera
Hindi rin nagpahuli ang ilang dance stars ng Stars on the Floor na sumabak din sa trending dance challenge gaya nina Faith Da Silva, Zeus Collins, Glaiza De Castro, JM Yrreverre, Joshua Decena, at Kakai Almeda.
Kasama nina Marian at Coach Jay sa dance authority panel ang Dance Comedienne of the Dance Floor na si Pokwang.
Abangan pa ang mas nag-iinit na performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, kilalanin si Coach Jay sa gallery na ito: