What's Hot

Marian Rivera at Dingdong Dantes, "Ate" na ang tawag kay Zia 

By Gia Allana Soriano
Published October 20, 2018 12:13 PM PHT
Updated October 20, 2018 12:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News



Simula nang malaman ni Marian Rivera na buntis siya with Baby No. 2, sinanay na niya at ng kaniyang asawang si Dingdong Dantes na tawagin si Zia na 'Ate.'

Ngayong nasa second trimester na siya, mas nagiging antukin daw si Marian Rivera at panay ang paghahanap ng mga maaasim na pagkain.

Ikinuwento rin niya ang anak nila ni Dingdong Dantes ngayong magiging "Ate" na siya.

I am very grateful sa buhay ko ngayon at nagpapasalamat ako sa lahat ng naging parte nito. Masasabi kong happy talaga pagiging 34 ko dahil sa inyong lahat.❤️ #SolaireExperience @solaireresort

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Aniya, "Sa journey ko sa pagbubuntis, involved talaga si Zia. Pumupunta kami sa doctor kasama namin siya. Nasa monitor 'yung baby, pinapakita namin sa kanya. So, ano siya, updated siya.

"Ini-involve talaga namin siya. Tsaka, simula nung malaman kong buntis ako, ang tawag namin sa kanya "ate." Para masanay siya na ate na siya."

Dagdag pa ni Marian, baby brother daw ang hiling ni Zia. Saad ng aktres, "Palagi siyang sinasabi na gusto raw niya ng baby brother, ewan, sana ibigay sa kanya."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: