
Ngayong nagtapos na ang Super Ma'am, balik na sa pagiging full-time mom ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Aniya, "Balik ako sa talagang role ko sa buhay, ang maging nanay. Tapos pahinga na rin siguro kasi six months na rin naman ang naging taping ko dito sa Super Ma'am. So, siguro kailangan mag-rest muna ako for a while."
Balak din ba nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na mag-abroad this year? Kuwento ni Yan, "Definitely dapat meron, kasi palagi kaming ganyan, eh. Pagkatapos ng isang trabaho, kailangan mag-unwind kami. Mag-eu-Europe kami."
Kasama rin daw sa plano nilang mag-asawa ang masundan si Baby Zia. Ika ng aktres, "Praying for it, sana. Sabi ko nga, kung ano ang ibigay ng Panginoon, doon kami."
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News