GMA Logo Marian Rivera and Dingdong Dantes
Photo by: Screenshot from Balitanghali
What's Hot

Marian Rivera at Dingdong Dantes, proud sa kanilang pelikulang 'Remember'

By Aimee Anoc
Published November 11, 2026 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Agri damage due to El Niño reached nearly P10-B, says DA
Chika Cart: Pepay Aguilar, ikinuwento ang magandang samahan nila ng biological son na si Kenjie
The great AO3 shutdown of 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera and Dingdong Dantes


Thankful sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa suportang natanggap sa world premiere ng kanilang pelikulang 'Remember.'

Simula ngayong Miyerkules (November 11), showing na sa mga sinehan ang pinakabagong pelikulang pinagbibidahan ng showbiz power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ang Remember.

Sa premiere night ng pelikula noong Martes, present sina Marian at Dingdong kasama ang iba pang cast na sina Zia Grace, Joross Gamboa, Ana Abad Santos, Aiza Marquez, Kyle Echarri, at ang direktor na si Mae Cruz Alviar.

Full support din sa pelikula ang ilang Kapuso stars kabilang ang co-stars ni Dingdong sa The Master Cutter na sina Tom Rodriguez, Max Collins, Sienna Stevens, Charlie Fleming, at Polo Ravales.

Spotted din sa event sina Pokwang, Andre Paras, at Kara David.

Sa report ni Aubrey Carampel sa Balitanghali, sinabi nina Marian at Dingdong na proud sila sa Remember at sa kuwento nito. Thankful din sila sa natanggap na suporta ng pelikula.

"Mapagmamalaki, oo," sabi ni Marian. "Dahil sa bawat ginawa naming mga eksena yata nasabi ko sa mga anak ko 'yung mga pinagdaanan at mga emosyon na ibinigay namin dito.

"Very excited kaming ibahagi ito sa mga makakapanood," dagdag niya.

Natutuwa rin si Dingdong na makita ang reaksyon ng mga tao sa kanilang pelikula.

"Nakakatuwang makita 'yung kanilang insight, 'yung kanilang reactions, pero higit sa lahat 'yung mga tanong nila sa amin, gusto pa nilang malaman kung ano ba 'yung kahulugan nito sa amin as the people behind the film," ani aktor.

READ: Celebrities get emotional over Dingdong Dantes, Marian Rivera's 'Remember'