
Tuwa at pride ang naramdaman ng Kapuso Royalty Couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa hobbies at passion ng kanilang mga anak na sina Zia at Sixto Dantes.
Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Martes, February 25, ibinahagi ni Marian ang suporta na ibinibigay nila ni Dingdong sa kanilang mga anak pagdating sa kanilang hobbies.
“Sobrang busy ng kids. Mas busy pa sila sa akin na nakakatuwa kasi parang sila na 'yung nagsasabi kung ano 'yung mga activities na gusto nila. Ano gusto nilang magawa ng week na 'to,” kuwento niya.
Inamin naman ni Marian na kahit maraming hobbies ang kanilang mga anak, susuportahan lang nila ito ng kanyang asawa.
“So, ang dami nilang gusto na nakakatuwa na parang, syempre kaming mag-asawa, support kami all the way talaga,” aniya.
Si Sixto ay kasalukuyang nahihilig sa mga learning activities tulad ng swimming. Samantala, si Zia naman ay may passion sa painting, singing, pag-aaral ng iba't ibang musical instruments, at ngayon ay horseback riding.
Samantala, si Marian ay kakatanggap lang ng Modern Grand Slam Best Actress award mula sa Philippine Arts, Film & Television Arts (PAFTA).
Nagbabalik din siya bilang head dance authority sa Stars on the Floor 2026, kasama ang iba pang dance authority na sina King of the Dance Floor Rayver Cruz at Dance Trend Master Coach Jay.
Patuloy na subaybayan ang Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Panoorin ang buong panayam dito:
RELATED GALLERY: The growing, beautiful family of Dingdong Dantes and Marian Rivera