
Nakisali na rin sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at anak niyang si Sixto Dantes sa "new mom trend" na sumisikat online. Sa video, may ibinulong si Marian kay Sixto na may caption na, "Smile if you want a new mom."
Agad namang nawala ang ngiti sa mukha ni Sixto at napailing pa. Si Marian naman ay napangiti sa naging reaksyon ng anak.
Saad ni Marian sa caption, "Hahahahahaha kahit kilitiin ayaw mag smile 😝 haaay love you Six!"
Umabot na ng mahigit sa 6.8 million views ang video sa Facebook, na kinagiliwan ng mga netizens.
MARIAN RIVERA'S MOST ADORABLE MOMENTS WITH HER CHILDREN, ZIA AND SIXTO