
Natupad na nga ang "dream collab" ng content creator na si Zeinab Harake dahil nakasama na niya sa isang vlog si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Sa 44-minute vlog, sina Marian at Zeinab ay nagsalo-salo sa isang food trip galore ng mga pagkain sa Bacoor bilang Caviteña girls.
Nagkaroon ng setup na puno ng food specialties tulad ng ice scramble, mga kakanin, tinapa daing, at ang paboritong buchi ni Marian na galing pa sa Bacoor City, Cavite.
Tila naging isang birthday celebration din ito para kay Marian dahil birthday niya rin ngayong August 12.
Habang sila ay nagfo-food trip, nagkaroon ang dalawa ng Q&A portion tungkol sa pagiging isang Caviteña, pagiging ina, at bilang asawa.
Ibinahagi ni Marian na nami-miss niya rin ang buhay niya sa Cavite, lalo na ang kanilang bonding moments ng kaniyang lola.
Bilang isang ina naman, naniniwala si Marian na mahalaga kung paano niya pinapalaki ang kaniyang mga anak na sina Zia at Sixto.
"Sa amin kasi na magasawa, mas gusto namin na anak namin, kami ang nakakaalam ng personality. Hindi naman porket nagkamali 'yung anak mo, ay salbahe na 'yang anak mo, hindi wala tayong pakialam sa kanila. Ang mahalaga, tayo, 'yun ang akin eh," sabi ng aktres.
Nabanggit ng Stars on the Floor dance authority na pangarap niya talagang maging isang ina.
Dagdag pa niya, "Mahilig kasi ako sa bata, e, kaya ayun talaga 'yung gusto ko eh, gusto ko maging nanay."
Napag-usapan din nila Zeinab ang kanilang buhay may asawa.
Ayon kay Marian, priority niya ang asawa niyang si Dingdong Dantes. Grateful din ito kay Dingdong dahil tinupad nito ang pangarap niyang magkaroon ng isang buong pamilya.
Dahil sa tuwa na naihatid ni Zeinab kay Marian, nangako rin si Marian na magkakaroon sila ng collab soon kasama sina Bobby Ray Parks at Dingdong.
Sa dulo ng kanilang vlog, binati ni Zeinab si Marian ng happy birthday at sinurpresa siya ng birthday cake. Binigyan din niya si Marian ng isang token of appreciation bilang ninang sa kaniyang kasal.
Patuloy naman mapapanood si Marian sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Panoorin ang buong vlog ni Marian at Zeinab dito:
Samantala, tingnan dito ang iba pang celebrities na nakipag-collab sa mga content creators/vloggers: