
Hanga si Lolit Solis kina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Kaya naman, masaya rin ang veteran talk show host at talent manager na nagkatuluyan ang dalawa at ngayo'y masaya sa piling ng kanilang pamilya.
Para kay Lolit ay sinuwerte sina Marian at Dingdong sa isa't isa.
Aniya, “Sarap siguro talaga pag ang asawa mo maganda na, masarap pang magluto, at multi talented kaya kahit nasa bahay may nagagawa para kumita di ba Salve?
"Imagine mo ang feeling ni Dingdong Dantes na ang ganda na ni Marian Rivera, successful actress at enterpreneur, at mahusay pang magluto.
"Grabe ha, sobra ng suwerte ni Dingdong na pati sa pag aalaga ng kanilang mga anak very hands on si Marian to the point na tanggihan pa ang First Yaya dahil nga tutok sa breast feeding kay Ziggy.
"Indeed blessed na blessed ang pamilya Dantes dahil na nga sa mga katangian ito ng mag-asawa.
“Si Dingdong din, walang hinto sa pag iisip kung paano magkakaroon ng fallback hindi lang siya kundi mga kasamahan artista kung sakaling magtagal ang pandemic. Good deeds na talagang kahanga hanga. Salute Dantes family.”
MUST-WATCH: Dingdong Dantes and Marian Rivera's video collaborations during the quarantine