Pwede pa rin daw rumampa si Marian tulad ng kanyang gagawin sa September 19, sa isang fashion show ng isang clothing line, pero mas magiging conservative na siya dahil katuwang na niya sa decision-making ang kanyang future husband. By CHERRY SUN
Pwede pa rin daw rumampa si Marian tulad ng kanyang gagawin sa September 19 sa isang fashion show ng isang clothing line, pero mas magiging conservative na siya dahil katuwang na niya sa decision-making ang kanyang future husband.
Inihayag din niya na magkakaroon ng season 2 ang kanyang self-titled dance show na Marian. Ayon sa Kapuso Dancing Queen ay ipapagpatuloy niya ang kanyang programa hangga’t kaya at habang hindi pa siya nagbubuntis.