
Naging tunay na reyna si Marian Rivera sa kaniyang 41st birthday dahil sa buhos ng pagmamahal na kaniyang naramdaman sa kaniyang espesyal na araw.
Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Martes, August 12, mas lalong naging espesyal para kay Kapuso Primetime Queen ang kaniyang kaarawan dahil sa dagsa ng birthday greetings) para sa kaniya.
Isa na rito ang kaniyang pinakamamahal na asawa na si Dingdong Dantes na nag-post ng kanilang sweet photo na may caption na "Happy Birthday, my love."
Noong weekend, nagkaroon ng back-to-back celebration si Marian kasama ang kaniyang pamilya at ibang kaibigan.
Sa kaniyang advance birthday brunch, dumalo ang pamilya ni Dingdong pati na rin ang kaniyang lola Amy at Iska. Kasama rin sa party ang GMA Integrated News Senior Vice President Oliver Victor Amoroso.
Hindi naman napigilan ng magasawa maging sweet sa harap ng kanilang pamilya at kaibigan at nag-share sila ng sweet kiss na sinundan ng kanilang pag-blow sa kanilang birthday cake dahil sa halos magkasabay nilang birthday.
Sa kinagabihan nito, nagkaroon pa ng isa pang birthday bash si Marian na dinaluhan ng kaniyang malalapit na kaibigan. Spotted muli si Dingdong sa celebration pati na rin ang kaniyang kaibigan na si Boobay at ang kaniyang glam team.
Party under the stars ang inspo ng birthday party ni Marian na napalibutan din ng kaniyang paboritong pink flowers.
Hindi natatapos ang pagmamahal kay Marian dahil dumagsa rin ang pagbati sa birthday girl sa comments section ng kaniyang social media accounts at isa na rito si Global Fashion Icon Heart Evangelista.
Samantala, patuloy na abangan si Marian sa Stars on the Floor bilang isa sa dance authorities tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Panoorin ang buong balita dito:
RELATED GALLERY: Marian Rivera celebrates pre-birthday in style