GMA Logo marian rivera
What's Hot

Marian Rivera, booked at busy mula GMA Gala 2025 hanggang birthday niya

By Karen Juliane Crucillo
Published August 6, 2025 2:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Major EU states condemn Trump tariff threats, consider retaliation
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera


Sunud-sunod ang star moments ni Marian Rivera simula GMA Gala 2025 hanggang sa paghahanda para sa nalalapit niyang kaarawan sa August 12.

Mula sa pagiging standout sa GMA Gala 2025 hanggang sa nalalapit niyang kaarawan sa August 12, tila walang pahinga si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pagbabahagi ng kaniyang mga pasabog at special moments.

Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Martes, August 5, ibinahagi ni Marian ang sunod-sunod na malalaking ganap nito simula GMA Gala 2025.

Ikinuwento nito na kasabay ng GMA Gala 2025, nagkaroon din ng birthday celebration ang kaniyang asawa na si Dingdong Dantes.

Sa pag-alala naman nila sa malaking event, nag-post si Marian at Dingdong ng kakaibang 'get ready with us' video kasama ang kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.

"Concept ng asawa ko 'yun, actually pinakita namin 'yung concept at sinabi namin may gagawin si Mama at Dada, willing ba kayo sumama sa video. Sabi nila of course, Mama. So, ginawa namin, very excited din talaga 'yung dalawa na sumama sa video," ikinuwento ni Marian.

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Paglipas ng ilang araw, darating naman ang birthday ni Marian na ice-celebrate sa August 12.

"Sabi ko lang, gusto ko maging intimate lang with my close friends talaga," sabi ng aktres.

Sa palapit na selebrasyon ng kaniyang birthday, inilabas na ang photoshoot ni Marian sa isang glossy magazine kung saan siya ang tampok sa cover.

"Super happy ako na mayroon akong something new na nagawa for myself," sabi ni Marian.

Nagkaroon din ng nakakaaliw na hirit si Dingdong sa photoshoot ni Marian at sinabi nitong "Pare, pa-kiss nga."

Hindi nagtatapos dito ang busy schedule ni Marian dahil isa rin ito sa dance authority ng dance competition na Stars on the Floor.

Panoorin si Marian sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, tingnan dito ang serving looks ni Marian Rivera sa Stars on the Floor: