What's Hot

Marian Rivera, buntis at pinaglilihian si Dingdong Dantes

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 5:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE- Sinulog Festival 2026 | GMA Integrated News
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Naglilihi rin si Yan sa "White Rabbit" at "Haw Haw" candy.
By CHERRY SUN
 
“Gusto lang namin sabihin na nagbunga ‘yung aming pagmamahalan at nabiyayaan kami ng Panginoon ng isa sa pinakamagandang regalo na pupuwedeng ibigay. That’s the gift of life.”
 
Ito ang naging pahayag ni Dingdong Dantes kasama ang kanyang asawa na si Marian Rivera sa eksklusibong panayam ni Jessica Soho sa 24 Oras.
 
 

A photo posted by Peregrino Lansigan Jr. (@perrylansigan) on

 
Ikinasal ang Kapuso Primetime Couple noong December 30 nang nakaraang taon, at ngayon ay dalawang buwan nang nagdadalang-tao si Marian.

LOOK: The union of Mr. and Mrs. Dantes
 
Busy man sa kani-kanilang Telebabad shows ay looking forward sina Marian at Dingdong sa kanilang magiging unang anak.
 
“’Yun din ‘yung isa sa mga dahilan kung kaya po kami nagpursigi na magpakasal. It’s to really build a family. And alam naman natin na parang ‘yung pagkakaroon ng anak ay isa sa mga mahalagang bagay para magkaroon ng isang pamilya. 
Magmula noon pinagdasal na po namin na kung ibigay po sa amin, ibibigay po sa tamang panahon,” sambit ni Dingdong.
 
Paglilihi ni Yan
 
Hindi pa mawari ng Kapuso Primetime Queen kung naglilihi na siya pero napapadalas daw ang pagkurot niya sa kanyang asawa.
 
“Napapadalas 'yung kurot sa akin eh, dito. Kagat dito, kung saan-saan,” pagkumpirma ni Dingdong sabay turo sa kanyang pisngi.
 
Ayon kay Marian ay may iba pa siyang pinaglilihian maliban sa kanyang asawa.
 
“Nung isang araw pa ang hinanap ko White Rabbit, ‘yung candy na kinakain ‘yung balat. Tapos nung isang araw, Haw Haw, ‘yung candy pa rin. Kulay puti pa din. 
Puro puti ‘yung hinahanap ko, hindi ko alam kung bakit. Tapos ayaw ko lang nung pabangong sobrang tapang,” bahagi niya.
 
Nahihirapan din daw siya dahil sa mga nararanasang early signs of pregnancy.
 
Aniya, “Kaya mahirap po kasi every morning, nagsusuka talaga ako. Tapos may mga times na kahit medyo hindi naman malayo biyahe, madalas ako nahihilo. Sabi ko, okay lang, kaya kong tiisin lahat ng sakripisyong ‘yan kung ang kapalit naman ay isang napakamagandang biyaya sa Panginoon.”
 
“Sabi ko, okay lang kahit ako na. Pagdaanan ko na lahat ng mahihirap na bagay basta 'wag lang siya,” pagbibigay-suporta naman ni Dingdong.
 
Boy or girl?
 
Kasabay ang usap-usapang buntis si Marian ay ang excitement ng kanilang mga fans na malaman kung lalaki o babae ang magiging anak nila.

READ: Ano'ng bet mong pangalan sa magiging anak nina DongYan?
 
Pahayag ni Dingdong, “With regards to the gender po eh kumbaga one step at a time. Ngayon sobrang nagpapasalamat kami lang na may biyaya kami ng isang buhay. So siguro okay na kahit ano pang ibigay sa amin.”
 
“Sa tuwing nag-uusap kami parang sobrang emotional ko. Sabi ko ito ‘yung isa sa mga pangarap ko na gusto kong mangyari sa buhay ko, ang maging isang mommy. So ibinigay siya sa akin,” dugtong ni Marian.
 
Sa ngayon ay may munting hiling ang Kapuso Primetime Couple sa kanilang mga tagahanga.
 
“There are details that we choose to keep private sa mga sarili namin, especially this point onwards. At sana po hinihingi ko po ‘yung suporta niyo na ibigay po sa amin ang privacy tungkol sa bagay na ito dahil alam naman natin na hindi madali ang pinagdadaanan ng aking asawa sa pagbubuntis,” wika ni Dingdong.
 
"'Yun po, sana maintindihan ninyo and maraming salamat po sa lahat ng pag-unawa ninyo at sa lahat ng suporta magmula noon hanggang ngayon,” patuloy niya.
 
Video courtesy of GMA News