
Photo by: Michael Paunlagui
Si Marian Rivera ang magiging narrator ng GMA News and Public Affairs program na Tadhana, isang weekly anthology na naka-focus sa mga istorya ng iba't ibang overseas Filipino workers o OFWs.
Aniya sa kanyang interview with Lhar Santiago, "Interesado po ako, pero dumating ako sa point na, 'Sandali, hindi ko ito ginagawa.' Medyo nakakatakot gawin kasi hindi ako masyado exposed sa pag-spiels, sa pagiging narrator."
Ano ang nakapagpa-oo kay Marian at tanggapin ang role niya sa show?
Ika niya, "Sabi ko sa sarili ko, bakit hindi ko subukan at buksan ang sarili ko sa mga bagay na hindi ako pamilyar, na wala namang masama kung susubukan ko at gusto ko rin mag-grow sa isang bagay na [hindi ko pa nagagawa.]"
Ngayong sabay sabay ang taping ni Marian, kasama na dito ang isa pa niyang bagong show, ang The Good Teacher, sino naman ang mag-aalaga kay Baby Zia?
Paliwanag niya, "Si Dong, andun si Dong. At saka inayos naman namin 'yung schedule namin ni Dong na every time may work ako, siya para kay Zia. At saka andiyan naman 'yung Mama ko, at yung Mommy ni Dong para bantayan si Zia."
Abangan ang bagong Marian Rivera sa Tadhana, ngayong Mayo na.
MORE ON MARIAN RIVERA:
MUST-READ: Marian Rivera's heart-warming message to Flora Vida patronizers
WATCH: Marian Rivera bags another show in GMA-7!
Marian Rivera hosts GMA's new OFW-themed weekly anthology "Tadhana"