GMA Logo Marian Rivera Dantes family priorities
What's Hot

Marian Rivera-Dantes, nagbago ang 'priorities' sa buhay simula nang magkapamilya

Published March 29, 2025 10:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos touts upgrades, improvements to PH airports
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera Dantes family priorities


Malaki ang pasasalamat ni Marian Rivera sa mga pinagdaaanan niya sa buhay dahil ito ang nagpatibay sa kanyang loob at pagkatao.

Sa mahigit na dalawang dekada niya sa showbiz, marami-raming lessons na rin tungkol sa buhay at paghawak ng pera ang natutunan ni Marian Rivera-Dantes.

Ngayong 40 years old na siya at masaya bilang may-bahay ni Dingdong Dantes at nanay para kina Zia at Sixto, masasabi ni Marian na nagbago na rin ang kanyang priorities sa buhay, pati na rin sa kanyang pagpili at pagtanggap ng projects sa showbiz.

"Nagbago na rin ang priorities ko -- lalo na ngayong may pamilya ako. Iba na rin ang projects na tinatanggap ko. Mas may lalim at meaning, kagaya ng Rewind (2023) at Balota (2024). Pero kahit nagbabago ang mga roles ko, ako pa rin si Marian -- mas mature, pero grounded pa rin," sambit ni Marian.

Parte ng kanyang "personal growth" bilang artista, businesswoman, at nanay ay ang pagiging "smart" o "wa-is" pagdating sa pagmanage ng family income at expenses. Gumagamit rin si Marian ng mga "apps" para ma-track ang paglabas-pasok ng pera.

"I handle our household expenses and business ventures regularly. To stay organized, I prioritize budgeting and use financial apps to track our income and spending. Each week, I set time to review our financial goals and adjust as needed. This keeps me focused and ensures we're making smart money decisions."

Kaya naman naging madali para kay Marian Rivera na mag-yes nang lapitan siya ng Palawan Group of Companies para alukin na maging ambassador nito. Para sa mga hindi nakakaalam, ang kumpanya na ito ang nasa nagpapatakbo ng ilang mga businesses na pamilyar na sa mga Pinoy, tulad ng Palawan Pawnshop, Palawan Express Pera Padala, Palawan ProtekTODO, at ang digital wallet na PalawanPay.

"I said 'yes' because I believe in their mission to provide accessible financial services to every Filipino. Their values align with mine -- family, community, and empowerment."

Palawan Group of Companies President and CEO Karlo M. Castro

Para naman sa CEO at President ng Palawan Group of Companies na si Karlo M. Castro, best choice si Marian para maging ambassador, lalo na para sa bago nilang tagline na "Subukan Na at Patunayan! I-Palawan Mo na 'Yan"

"We've always looked for someone who truly represents what Palawan stands for -- resilience, hard work, and success. Marian's journey, the sacrifices she has made, and her dedication to her family and career mirror Palawan's own story. Gano'n din ang Palawan -- laging nagsisikap, laging nandyan para sa mga Pilipino.”

Nakaka-relate naman si Marian sa success story ng brand na kanyang nirerepresent.

"Laging may bagong inaalok, pero hindi nakakalimot sa pinanggalingan. Sa buhay, mahalaga ang pagbabago para sa growth natin, pero dapat lagi tayong grounded sa core values natin."

Masasabi ni Marian na proud siya sa naging takbo ng kanyang career at personal na buhay.

"Nung nagsisimula ako, career lang talaga ang focus ko. Mahirap sa simula, pero dahil sa tiyaga at pagpupursige, unti-unti kong narating ang mga dati lang pinapangarap ko. Maraming challenges, pero sulit lahat. Masaya ako kung nasaan ako ngayon -- proud ako sa naging journey ko."

(L-R) Host Nikki Viola, Palawan Group of Companies President and CEO Karlo M. Castro, Marian Rivera-Dantes, Chairman and Founder Bobby Castro, and Group Marketing Head Bernard Kaibigan