
Hindi nakalimot ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes na ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang loyal driver na si Jhun.
Halos dalawang dekada na itong nagseserbisyo sa kanila, simula noong single pa si Dingdong.
Sa Instagram Story ng aktor kamakailan, makikitang pinaghanda nila ng cake ang birthday celebrant na si Kuya Jhun.
Kasama nina Marian at Dingdong ang kanilang dalawang anak na sina Zia at Ziggy, at iba pa nilang househelpers na binati at kinantahan ang loyal driver.
Sa isang YouTube video ng The Dantes Squad, sinabi ni Kuya Jhun na maalalahanin ang mag-asawang Marian at Dingdong sa kanilang pamilya, lalo na sa kanyang kalusugan, kaya rin siya tumagal sa kanyang trabaho bilang driver.
KILALANIN ANG IBA PANG LOVING YAYAS AT PERSONAL ASSISTANTS NG MGA CELEBRITY SA GALLERY NA ITO: