GMA Logo Marian Rivera
What's Hot

Marian Rivera, enjoy sa pag-unbox ng kaniyang collectibles

By Karen Juliane Crucillo
Published August 27, 2025 3:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Impeach rumors vs Marcos ‘shapeless,’ says Adiong
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Marian Rivera sa pagkakaroon ng collectibles: "Parang nabubuhay 'yung pagkabata ko."

Busy man si Marian Rivera sa kaniyang mga ganap, hindi pa rin siya nawawalan ng oras para sa kaniyang me time.

Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Martes, August 26, ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen ang dalang saya ng pag-unbox ng kaniyang collectibles na tila nagsisilbing pahinga para sa kaniya.

"Parang nabubuhay 'yung pagkabata ko bigla kapag nakikita ko o bumibili talaga ng mga gusto ko talaga," sabi ng aktres.

Dagdag pa nito, "Excited ako magbukas ng mga box kung ano 'yung inside lalo na kapag syempre hinahanap mo 'yung secret doon sa box."

Sa Instagram, ibinahagi ni Marian ang bago sa kaniyang koleksyon na Mega Royal Molly 400%, isa sa mga "rare finds" na Pop Mart collectible.

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)

Kamakailan lang, nasungkit din ni Marian ang kaniyang kauna-unahang Best Actress award mula sa FAMAS Awards 2025 para sa pelikulang Balota.

Patuloy pa ring mapapanood si Marian bilang isa sa mga dance authority sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, tingnan dito ang iba pang celebrities na may collection: