
Sa isang interview with 24 Oras, ikinuwento ni Marian Rivera kung kailan nila malalaman ng asawa niyang si Dingdong Dantes ang kasarian ng kanilang baby no. 2.
Aniya, "Next month malalaman na namin. Sabi ko, babae or lalaki, okay lang 'yan. Importante binayayaan ulit ako."
Naging emosyonal din si Yan dahil isinantabi muna ng Kapuso Primetime King ang kanyang mga personal na interest para sa kanilang pamilya.
Sabi niya, "Na-touch nga ako sa asawa ko. Kasi sabi niya, 'Mahal, ang priority ko ikaw, ang pamilya natin.' Crayola [umiyak] ako."
Kinumpirma rin ni Marian na mapapanood pa rin siya sa Sunday Pinasaya kahit nagdadalang tao ang aktres.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: