GMA Logo Marian Rivera, Gabby Concepcion, at Raphael Landicho
PHOTO COURTESY: Edward Dela Cuesta
What's on TV

Marian Rivera, Gabby Concepcion, and Raphael Landicho, to grace Philippine Book Festival for a book launch

By Dianne Mariano
Published April 25, 2024 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera, Gabby Concepcion, at Raphael Landicho


Abangan ang 'My Guardian Alien' stars na sina Marian Rivera, Gabby Concepcion, at Raphael Landicho sa book launch ng 'Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien' sa Philippine Book Festival sa World Trade Center ngayong April 26.

Handa nang makisaya ang My Guardian Alien stars na sina Marian Rivera, Gabby Concepcion, at Raphael Landicho sa ikalawang araw ng Philippine Book Festival, na gaganapin sa World Trade Center ngayong Biyernes (April 26).

Abangan ang Kapuso stars sa naturang event para sa book launch ng Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien. Ang librong ito ay tungkol sa magandang pagkakaibigan sa pagitan ng isang bata at alien.

Noong Marso, nagkaroon sina Marian at Raphael ng book reading session para sa elementary school pupils sa dalawang paaralan sa Quezon City, kung saan binasa nila ang istorya ng Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien.

Related gallery: Marian Rivera and Raphael Landicho bring joy to elementary school students with book reading session

Bukod dito, tampok din ang naturang libro sa primetime series na My Guardian Alien, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.

Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes. 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at kapuso Stream.

Maaari ring mapanood ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.