
Ngayong Abril ipinagdiwang ng bunsong anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto ang kaniyang ikalimang kaarawan. Ngunit ang tanong ng marami, handa na ba silang sundan ang kanilang bunsong anak?
“As of now, sa dami ng ginagawa ko, parang hindi ko masabi at parang masaya ako sa dalawang ito,” sagot ni Marian sa Mother's Day episode ng GMA Pinoy TV podcast.
Nilinaw naman ni Marian na hindi naman sa kanila talaga ni Dingdong ang desisyon kung masusundan pa ang kanilang dalawang anak.
Aniiya, “Sa Kaniya pa rin manggagaling lahat. Kung ibibigay sa akin, why not. Kung hindi, it's perfect. I have two kids.”
Ngunit nilinaw din ng My Guardian Alien actress na gusto niya ng malaking pamilya. Pero aminado siya na nang mabuntis at manganak na siya nang dalawang beses ay napaisip na si Marian.
“'Yung pagbubuntis, kayang-kaya 'yan. Pagpapalaki ang pinakamahirap sa parenting. Kasi kung hands-on ka, hindi ka pwedeng bara-bara. At kung madami kang anak, paano mo matututukan lahat?” sabi niya.
BALIKAN ANG ILAN SA MGA HEART MELTING PICTURES NI SIXTO SA GALLERY NA ITO:
Ibinahagi rin ni Marian ang isang lesson na natutunan niya tungkol sa pagiging isang ina mula sa kaniyang lola at mama. Aniya, “Sa kahit anong event na meron 'yung anak ko, andun ako.”
“Kaya minsan, sinasabi sa 'kin ni Dong, 'Mahal, pahinga ka na muna.' Sabi ko, 'Hindi, kasi ito 'yung wala ako. Kaya kailangan kong ibigay sa mga anak ko,'” sabi niya.
Samantala, tinanong din si Marian kung nagpapakita na ba ng interes ang kanilang mga anak na pumasok sa showbiz at ayon sa Primetime Queen, “Hindi ko alam kung dun 'yun pupunta.”
Aniya, “Pero siguro family ng showbiz? Kasi si Zia mahilig sumayaw, kumanta, nagti-theater siya, so may mga ganun siyang activities sa school.”
Ayon pa sa aktres, may ganoong activities din naman si Sixto pero nakikita nilang mas malapit ito sa sports.
Pakinggan ang buong interview ni Marian dito: