
Umani ng papuri si Marian Rivera sa kanyang pagganap bilang si Elsa mula sa Walang Himala bilang partisipasyon niya at ng kanyang asawang si Dingdong Dantes para sa 'Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento' fundraising event.
Nitong Martes, April 21, kabilang sina Marian at Dingdong sa ilang mga artistang naging bahagi ng fundraising event para sa mga “no-work, no-pay” film workers na apektado ng enhanced community quarantine bilang tugon sa COVID-19.
Isang monologue ni Elsa mula sa pelikuang Walang Himala ang binigyan ng interpretasyon ng First Yaya star habang ang kanyang mister ang nagsilbi niyang direktor.
Hindi pa man nagsisimula ang performance ni Marian, tiyak ang batikang manunulat at isa sa organizers ng 'Gabi ng Himala' na si Ricky Lee sa talento na ipapakita ng Kapuso star.
Sambit ni Ricky, “This is just one reason why I feel so humbled and excited at the same time for tonight's Gabi ng Himala fundraising event--Dingdong Dantes directing Marian Rivera doing her take on Elsa's Walang Himala monologue.”
Kinumpirma naman ng ilang netizens ang kahusayan ni Marian na umani ng kabi-kabilang papuri.
Marian Rivera's acting is giving me goosebumps. No wonder she's the GMA Primetime Queen. The words are powerful. Everyone bow down to the QUEEN!!! #MarianRivera #GabiNgHimala pic.twitter.com/gpG0qhRlpt
-- aDYk ✨ (@abegail021207) April 21, 2020
Pinanood ko ulit yung performance ni Marian Rivera sa Gabi ng Himala. Ang powerful talaga.
-- Hyro P. Aguinaldo (@heyrow) April 21, 2020
Wow. Marian Rivera.
-- Kriz Gazmen (@krizgazmen) April 21, 2020
WOW. Sobrang galing mo. Hindi ko kinaya yun. #GabiNgHimala
Marian Rivera. That's it. That's the tweet. #GabiNgHimala #RANGE
-- Black Sheep (@Black_SheepPH) April 21, 2020
In fairness to Marian Rivera, her monologue as Elsa is really good! Give this woman a serious project and a good director! #LockdownCinemaClub
-- Josh (@joshuadalupang) April 21, 2020
Galing ni Marian! 👏🏻 #GabiNgHimala
-- Jennnnna (@MsJennahBucayu) April 21, 2020
Naenjoy ko ng husto ang #GabiNgHimala, ang husay nilang lahat! Pero grabe si Marian?!!!????!!(directed by Dingdong)-kinilabutan ako tapos fan na ako. At syempre yung reimagined version ni Lav Diaz: Wow, just wow! #LockdownCinemaClub pic.twitter.com/mAHDGyBN7C
-- Mark Arto (@MarkHArto) April 21, 2020
Sa mga nais magbigay ng donasyon, maaaring bisitahin ang Lockdown Cinema Club Facebook page para sa mga detalye.