GMA Logo marian rivera
PHOTO COURTESY: Clare Cabudil
What's on TV

Marian Rivera hopes to encourage reading again among the youth

By Dianne Mariano
Published April 26, 2024 6:39 PM PHT
Updated April 27, 2024 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera


Dumalo ang 'My Guardian Alien' stars na sina Marian Rivera, Gabby Concepcion, at Raphael Landicho sa book launch ng “Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien” sa Philippine Book Festival 2024 sa World Trade Center.

Nakisaya ang My Guardian Alien stars na sina Marian Rivera, Gabby Concepcion, at Raphael Landicho sa ikalawang araw ng Philippine Book Festival 2024 sa World Trade Center ngayong Biyernes, April 26.

PHOTO COURTESY: Clare Cabudil

Present ang tatlong Kapuso stars sa naturang event para sa book launch ng librong pinamagatang Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien. Ang librong ito ay tungkol sa magandang pagkakaibigan sa pagitan ng isang bata at alien.

Kasabay ng book launch na ito, hinihikayat ng Kapuso Primetime Queen ang pagbabasa ng libro sa kabataan. Ayon pa sa celebrity mom, ang pagbabasa ng libro ay magandang bonding din para sa pamilya.

“Kasi ngayon, nakikita natin na 'yung mga bata ngayon hindi na masyado nagbabasa kasi more on gadgets na. So, sana ipagpatuloy natin na simulan muli na turuan 'yung mga bata na iba pa rin kapag nagbabasa ng libro kasi ang gandang bonding nito sa mga parents nila, sa mga kapatid nila, na sana maibalik natin 'yon,” ani ng aktres sa panayam ng GMANetwork.com.

Bukod dito, nag-donate sina Marian, Gabby, at Raphael ng mga kopya ng Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien sa Nook Book project ng National Book Development Board of the Philippines.

PHOTO COURTESY: Clare Cabudil

Samantala, subaybayan sina Marian Rivera, Gabby Concepcion, at Raphael Landicho sa My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.

Mapapanood din ang programa sa oras na 10:30 p.m. sa GTV

BALIKAN ANG BOOK READING SESSION NINA MARIAN RIVERA AT RAPHAEL LANDICHO SA ELEMENTARY SCHOOL PUPILS DITO: