
Naghatid ng good vibes online ang seasoned actress na si Marian Rivera nang gawin niya ang isang trending na dance craze.
Ibinahagi ng aktres ang kanyang video sa Tiktok kung saan kumasa siya sa “Oohh Lala Baby” dance challenge ng Showtime Babydolls habang nasa Quebec sa Canada.
"Dingdong dance trend? Why not. Sending love from Quebec. Good night, Pinas. Good morning, Quebec," sulat niya sa caption.
@marianrivera Dingdong dance trend? Why not. 😝 Sending love from Quebec. 🇨🇦 Good night, Pinas. Good morning, Quebec. ✨ #MarianRivera ♬ original sound - Star Music PH
Kasalukuyang mayroong mahigit one million views ang naturang dance video ni Marian sa TikTok. Labis din ang tuwa ng Showtime Babydolls na sina sa Johaira, Juby, Jelai, Eriel, at Chole nang mapanood ang entry ng award-winning actress.
Nitong June 7, napanood ang Showtime Babydolls sa Kapuso weekend musical comedy variety show na All-Out Sundays, kung saan nag-perform sila ng kanilang catchy tracks na "Ikembot Mo" at "Oohh Lala Baby."
Samantala, napapanood ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Related gallery: The looks Marian Rivera that prove her beauty is timeless