
Nakisama si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa mga panawagan na maghatid ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Central Visayas.
Nag-upload ng Reel si Marian sa kaniyang Instagram account kung saan humingi siya ng tulong para sa mga biktima ng Typhoon Tino mula sa kaniyang fans at Instagram followers. Sa kaniyang Reel at sa caption ng post, idinirekta niya ang kaniyang mga fans at followers na magbigay ng donasyon sa Kapuso Foundation. Naglagay din siya ng link patungo sa website ng foundation sa caption ng post.
Ang paghingi ng donasyon ni Marian para sa mga biktima ng Typhoon Tino ay isa lamang sa mga paraan kung paano naninindigan para sa mga nangangailangan nag Kapuso star. Noong Setyembre, nag-upload ng Reel si Marian kasama ang mga taong may cerebral palsy bilang parte ng pagdiriwang ng Cerebral Palsy Awareness and Protection Week. Sa Reel, makikitang nagaabot ng mga packages at nakikipagusap sa mga batang may cerebral palsy si Marian.
Sa caption, isinulat ni Marian na “Nothing compares to the joy of spending time with children whose smiles light up the world. Truly a day filled with love and inspiration.”
Noong Hulyo, kasama ni Marian ang mga beneficiaries ng Smile Train Philippines, isang non-government organization na nagbibigay ng ligtas at de kalidad na cleft care para sa mga batang may cleft palates.
Sa caption, sinulat ni Marian na ipinagdiriwang niya ang amazing transformations ng mga Smile Train beneficiaries. Pinasalamatan din niya ang pagmamahal at suporta ng mga magulang, mga doktor, at partners na nagdadala ng pag-asa at ngiti sa mga bata.
Ang Smile Train Philippines ay isa sa mga organisasyon na matagal nang sinusuportahan ni Marian. Noong Agosto ng nakaraang taon, nag-pledge si Marian na mag-sponsor sa 10 pasyente ng Smile Train Philippines. Inanunssyo niya ito sa isang Instagram Reel na nagpakita sa kaniyang nagdiriwang kasama ang mga bata, pati na rin ang advocacy video ng organisasayon.
Noong nakaraang taon din noong nagpa-party si Marian para sa mga Smile Train Philippines beneficiaries sa tulong ng mga corporate sponsors.
Related gallery: Marian Rivera spends time with the children of Smile Train PH