GMA Logo Marian Rivera Tadhana
What's on TV

Marian Rivera, ibinahagi ang dapat abangan sa 'Tadhana' 5th anniversary

By Bianca Geli
Published October 7, 2022 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

35 repatriated OFWs arrive in PH in time for New Year
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera Tadhana


Ano-ano ang mga dapat abangan sa ika-limang anibersaryo ng 'Tadhana'?

Ibinahagi ni Marian Rivera ang mga dapat abangan sa pagdiriwang ng 5th anniversary ng Tadhana.

Sa naganap na photoshoot para sa programa, ipinasilip ng host na si Marian Rivera ang mga mas kapanapanabik na episodes na handog ng Tadhana sa ika-lima nitong taon.

Sa kanilang 5th anniversary episode, tampok ang three-part special anniversary special na "Baliw na Puso" na pagbibidahan nina Mylene Dizon, Vaness del Moral, Lianne Valentin, at Raymond Bagatsing.

Masaya rin daw si Marian na sa ika-limang taon ng Tadhana ay marami pa rin ang nagbibigay ng istorya ng kanilang buhay.

Ibinahagi rin ni Marian kung paano sila nagba-bonding ng pamilya kahit na abala na sila ni Dingdong sa trabaho.

"Kasi nakakatuwa na maraming nagpa-participate para mag-send ng letters ng mga kwento ng buhay nila na makakapagbigay ng inspirasyon sa mga nanonood."

"Nanonood kami [ng TV] or lumalabas [kami ng bahay] tapos igagala namin 'yung mga kids sa mga playground or sa park. Alam nila na every Sunday should be a family day for us."

"Kahit busy ng two weeks or isang buwan dapat may kahit isang date na para sa aming dalawa. Hindi pwedeng mawalan kami ng time sa isa't isa, higit lalo para sa mga bata," saad ni Marian.

TAKE A LOOK AT MARIAN RIVERA'S DREAMY BIRTHDAY PHOTOSHOOT