"Malamang kamukha ni Dong talaga, feeling ko talaga," 'yan ang tiyak na sagot ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
By AL KENDRICK NOGUERA
"Malamang kamukha ni Dong talaga, feeling ko talaga," 'yan ang tiyak na sagot ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera nang tanungin siya kung sino ang magiging kamukha ng kanilang baby girl ni Dingdong Dantes.
Malaki ang posibilidad na manahin daw ng kanilang baby girl ang kaguwapuhan ng Pari 'Koy star dahil siya lang daw ang pinaglilihian ni Marian sa ngayon.
"Siya lang talaga [ang pinaglilihian ko]. Kapag nakikita ko siya, talagang gigil na gigil lang ako sa kanya," pagtukoy ni Marian kay Dingdong.