GMA Logo Marian Rivera fitness
photo by: marianrivera (IG)
Celebrity Life

Marian Rivera, inspired maging healthy at fit dahil sa kanyang pamilya

By Kristine Kang
Published September 13, 2026 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

139 teachers in Cotabato unable to serve in BARMM polls — Comelec
Brace your wallets: massive pump price hikes hit fuel stations next week
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera fitness


Masayang inaalay ni Marian Rivera ang kanyang healthy lifestyle sa kanyang Dantes Squad!

Gorgeous at stunning talaga ang Kapuso superstar na si Marian Rivera sa kanyang mga guesting, projects, at social media posts.

Kamakailan, rumampa muli ang aktres bilang isa sa mga judge ng fitness competition na Century Tuna Superbods 2026.

Suot ang kanyang fitted black ensemble, certified head-turner si Marian nang bumati siya on stage.

Ang kanyang sikreto sa glowing beauty? Walang iba kundi ang healthy lifestyle!

"Pilates, healthy eating, ' yung habit na kailangan maayos talaga," aniya sa panayam sa 24 Oras.

READ: Marian Rivera glows in pilates session

Para kay Marian, inspirasyon niya ang kanyang pamilya para manatiling active at fit.

"Gusto kong maging healthy para sa mga anak ko at siyempre gusto kong masubaybayan 'yung paglaki nila na kaya ko silang sabayan," dagdag niya.

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)

Hindi lang sa fitness competition humanga ang fans kay Marian. Marami rin ang nabighani sa kanyang glowing at fierce beauty nang maging cover star siya ng isang local lifestyle magazine.

Kuwento ni Marian, si Dingdong Dantes ang naging inspirasyon niya sa kanyang iconic model look.

"Natawa nga ako kasi si Dong parang ang dami kong na-shoot na cover. Sabi niya, ito raw ay isa sa mga favorite niya. Nakita ko nga ' yung concept nila at saka 'yung approach kung paano 'yung gagawin. Doon pa lang sabi ko, na-excite na ako na gawin talaga siya," sabi ni Marian.

A post shared by L'Officiel Philippines (@lofficielph)

Happily married sina Marian Rivera at Dingdong Dantes kasama ang kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto. Sa labas ng kanilang celebrity life, madalas na naglalaan ng quality family time ang Dantes Squad, kabilang na ang kanilang trips abroad.

READ: Dingdong Dantes, Marian Rivera enjoy quality time with kids Zia, Sixto overseas

Samantala, napapanood si Dingdong sa action series na 'The Master Cutter,' tuwing 8 p.m. sa GMA, GTV, Heart of Asia, at I Heart Movies.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Silipin ang timeless beauty ni Marian Rivera sa gallery na ito: