
Isang short but sweet message ang binigay ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa kaniyang maybahay na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ngayong Mother's Day.
Nag-post si Dingdong ng isang short video sa kaniyang Facebook account kung saan makikitang abala sa pagluluto si Marian. Sa caption ng post, binahagi ng aktor na imbis na ang asawa niya ang pagsilbihan ngayong araw nito ay ito pa umano ang nagprisintang magluto ng paborito nilang menudo.
“Sino ba naman ang hindi mapapahinga nang malalim sa bango pa lang, sabay sabing, “Ay, eto na nga ang original ni Ingkang.” Ang tagal na naming hindi natikman 'to--kaya bawat halo niya sa kaldero, parang yakap na abot hanggang puso't bituka mo,” sulat ni Dingdong.
Pagpapatuloy pa ng aktor, “Happy Mother's Day sa reyna ng aming tahanan--kahit araw niya, inuuna pa rin kaming alagaan. Pati tiyan namin, hindi nakaligtas sa lambing at halinghing ng kanyang lutuin.”
BALIKAN ANG 40TH BIRTHDAY CELEBRATION NI MARIAN SA GALLERY NA ITO:
Sa comments section ay nakatanggap din ng maraming pagbati si Marian mula sa netizens. Ang ilan sa kanila, ipinahayag pa kung gaano kaswerte si Dingdong sa pagkakaroon ng asawa na kagaya ni Marian.
“So simple wife and yet hindi mo napapabayaan sarili mo, idol. Super ganda, asawa, mom and a person...you deserve to be a perfect wife and a mother. HAPPY MOTHER'S DAY, MARIAN,” sulat nito.
Ilang netizens din ang pumansin sa galing ng pag-aalaga ng aktres sa kaniyang pamilya.
“Happy Mothers Day Miss Marian..Saludo ako sa pag-aalaga mo sa iyong pamilya..Parati mong inuuna sila, very thoughtful of you..Keep safe Dantes squad and God bless,” sulat ng isang netizen.
Komento naman ng isa pa, “Napakadevoted with wife and mom talaga si Marian...kahit kayang iutos o I order [SIYA] talaga gagawa...she looked like an ordinary wife here simple but beautiful...God bless you, Mommy Yan. Enjoy [your] day