Article Inside Page
Showbiz News
These days, Marian Rivera is enjoying her singlehood and in no hurry to have a boyfriend.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered!
Be on the lookout for multiple updates within the day—you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world.
Sa first presscon ng Valentine movie ng GMA Films and Regal Entertainment na
My Best Friend's Girlfriend (BFGF) last Wednesday, January 16, sa GMA Network, tinanong si
Marian Rivera kung nakailang boyfriends na siya. "Tatlo" ang naging sagot niya. Dagdag pa ng young actress, all are non-showbiz.

Sa ngayon daw ay wala siyang boyfriend, although she dates once in a while pero no commitment at all. Nag-e-enjoy lang daw siya talaga dahil feeling niya, hindi pa siya handang magka-boyfriend muli sa dami ng trabaho niya.
Bukod sa
BFGF, grinding pa rin ang
MariMar nila ni
Dingdong Dantes sa TV. Sa March pa ito magtatapos.
ERVIC VIJANDRE. "Nagtampo" sa amin si Marian nang magkita kami sa said presscon dahil kami ang naglabas dito sa Philippine Entertainment Portal (PEP) ng picture ng isa sa mga ex-boyfriends niya—si Ervic Vijandre. Ang unang tanong ni Marian sa amin kung saan namin ito nakuha at kung paano namin ito nalaman.
Nahihiya kasi si Marian kay Ervic dahil kahit inamin ng young actress na in communication pa rin sila ng kanyang ex dahil they stayed friends. Never daw natuwa si Ervic na nababanggit ang pangalan nito with Marian.
"Never niya akong ikinahiya, ha," paglilinaw ni
Marian. "Baligtad pa nga, siya ang nahihiya kapag nadidikit ang pangalan ko sa kanya kasi ayaw niyang isiping ginagamit niya ako."
Nag-request sa amin si Marian not to divulge what she was about to tell us privately concerning Ervic na rin, so nag-promise kaming never namin itong isusulat. It turned out na may not-so-good effect pala sa propesyon ni Ervic nang lumabas ang information na naging sila nga ni Marian.
Although inamin din ni Marian na nagkikita pa rin sila as friends, hindi raw totoong nakita sila sa Alabang Town Center during the holidays to watch
Desperadas.
"Inamin ko naman sa iyo na nag-uusap pa kami, so bakit kailangan ko pang itanggi na nanood nga kami that time? Pero hindi talaga, kasi after Christmas, balik trabaho ako agad for
Marimar and this movie, so no time talaga," sabi ni Marian.
MARK HERRAS. Balik sa tanong tungkol sa boyfriend, when Marian stressed that all of her three ex-boyfriends were non-showbiz, naitanong sa kanya kung hindi ba naging sila ni
Mark Herras. Sinabi raw kasi ni Mark sa isang interview na six months silang naging mag-on ni Marian.
Si Marian ang naging special guest ni Mark during his birthday two years ago at isang expensive shirt ang regalo niya kay Mark.
"Hindi kami naging mag-on," tanggi ni Marian. "Actually, ‘pag nag-uusap kami ni Mark, tinatanong ko sa kanya...kasi ang point niyan, inaamin ko na gusto ko talaga si
Mark nung mga panahong ‘yon at MU [mutual understanding] talaga kami nun. Ang problema lang, yung pag-uwi niya ng New York...basta may nangyari dun."
Ito kasi ang panahon na papuntang New York si Mark to do
I LUV NY with
Jennylyn Mercado,
Jolina Magdangal, and
Marvin Agustin.
Patuloy na kuwento ni Marian, "Ang sabi ko, after na umuwi siya at wala siyang ginawang kalokohan dun, sasagutin ko siya, official na kami. Eh, may nangyari yatang hindi maganda, eh, tama na po. Kaya sabi ko sa kanya, ‘Enough, tama ka na sa akin! Ayoko na sa ‘yo!'
"Kahit tanungin n'yo po siya [Mark]. Yun po ang lagi kong sinasabi sa kanya. Ang sabi ko talaga sa kanya, ‘Ayusin mo ito. Ano ba ang gusto mo, maging magkaibigan tayo o magkaaway?'"
While hindi na isiniwalat ni Marian kung ano ito, from her statement, it seems na hindi naayos ni Mark kung ano man yung nagawa niya dahil hindi nga naging sila.
RICHARD GUTIERREZ. Naitanong din namin sa kanya kung papasa sa kanya ang leading man niya sa
BFGF na si
Richard Gutierrez.
"Takot ito sa akin, eh," sabay turo ni Marian sa katabi niyang si Richard na sinang-ayunan naman ng binata sabay tawa ng dalawa.
An hour later, nang nasa lobby na ng GMA-7 lahat, pati sina Marian at Richard, biniro namin si Richard na puwede siyang pumasa kay Marian dahil napapansin namin na may weakness sa tall guys si
Marian.
"Oo nga," sagot ni Marian regarding her preference for tall guys dahil bukod kay Ervic who stands 6' 2", ang isa pang ex ng young actress—na kilala rin namin at never na naming isusulat dahil nag-promise nga kami sa kanya—ay mataas din. --
PEP
Is it possible for Marian to fall in love with a showbiz guy? Talk about it at the
iGMA forums!
If you're not yet registered, you can
register now! Who knows, you might even get to chat with your favorite Kapuso Star through
iGMA Live Chat!