Celebrity Life

Marian Rivera is named as "Celebrity Breastfeeding Influencer"

By Maine Aquino
Published December 2, 2018 11:27 AM PHT
Updated December 2, 2018 2:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Taos-puso ang pasasalamat ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pagkilala ng MCNAP sa kanyang kontribusyon bilang celebring breastfeeding influencer.

Binigyan parangal si Marian Rivera sa kanyang breastfeeding advocacy.

Ang Kapuso Primetime Queen ay naglahad ng kanyang pasasalamat sa award mula sa MCNAP (Mother and Child Nurses Association of the Philippines) matapos kilalanin ang kanyang kontribusyon bilang Celebrity Breastfeeding Influencer.

Ayon sa kanyang post, "Masaya akong na-share ko ang experience ko bilang breastfeeding mom noon kay Zia."

Thank you MCNAP (Mother and Child Nurses Association of the Philippines) for the recognition as Celebrity Breastfeeding Influencer. Masaya akong na-share ko ang experience ko bilang breastfeeding mom noon kay Zia. Ready na din ako (at asawa ko) next year para sa aking ikalawang anak... 👶🏻 Kaisa nyo ako sa layuning ito at Hindi ako magsasawang suportahan at ipalaganap ang importansya ng breastfeeding. ❤️

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Dagdag pa ni Marian, excited siya na ipagpatuloy ang kanyang advocacy sa kanilang ikalawang anak ni Dingdong Dantes. "Ready na din ako (at asawa ko) next year para sa aking ikalawang anak. Kaisa nyo ako sa layuning ito at hindi ako magsasawang suportahan at ipalaganap ang importansya ng breastfeeding."