GMA Logo Glaiza De Castro, Joshua Decena, Marian Rivera
What's on TV

Marian Rivera, kinilabutan sa intense performance nina Glaiza De Castro at Joshua Decena

By Karen Juliane Crucillo
Published July 8, 2025 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Two people killed in Brown University shooting —mayor
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro, Joshua Decena, Marian Rivera


Alamin ang naging reaksyon ni Marian Rivera sa nakakasindak na jazz performance nina Glaiza De Castro at Joshua Decena.

Hindi lang full-on energy ang dala ng performance nina Glaiza De Castro at Joshua Decena sa pangalawang linggo ng Stars on the Floor nitong Sabado, July 5, kundi pati kilabot.

Ang genre na napunta sa dance star duo ay jazz na may halong twist at punong-puno ng emosyon. Sa sobrang intense ng kanilang performance, nasindak pati ang dance aauthority na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Ibinahagi ni Dance Comedienne of the Dance Floor Pokwang na habang sumasayaw sina Glaiza at Joshua, may binulong sa kaniya si Marian.

"Mamang, natatakot ako," sabi nito.

Matapos ang performance, tinanong ni Marian si Joshua kung first time ba nitong sumayaw ng jazz at inamin niya namang unang beses pa lang niya ginawa ito sa kaniyang buong buhay.

"Nako, ang husay mo," pagpuri ni Marian kay Joshua.

Bilang kilala na ni Marian si Glaiza ng matagal sa industriya, sabi nito na tuwing mas nahihirapan si Glaiza ay mas gusto nitong nacha-challenge siya.

Nagdagdag naman ng komento si Marian kay Joshua dahil napansin din nito na magaling ito umarte dahil natakot daw siya kay Joshua.

Si Dance Trend Master Coach Jay naman ay humanga din sa galing ng mag-duo dahil napanatili nila ang kanilang husay sa galaw at sa emosyon.

"Mahirap siya pagsabayin kung nasobrahan ka sa emotion mo, sa pagiyak tapos kumakanta ka, so mahirap siyang kontrolin pero sa kanila, syempre kailangan ng technique, kailangan ng lines, ng extension, muscle control, nae-execute pa rin ng maayos kahit na tumotodo sila sa pag-act. Hindi nila pinepeke 'yung pagtawa, talagang tumatawa sila. Sinaluhan niyo pa rin ng creativity, so shoutout kay Coach Macky," paliwanag ni Coach Jay.

Dahil sa kanilang nakakasindak at emosyonal na performance, napasama sa top 2 sina Glaiza at Joshua bilang posibleng 2nd top dance star duo ng gabi.

Gayunpaman, sina Rodjun Cruz at Zeus Collins ang tuluyang itinanghal na 2nd top dance star duo, matapos nilang ipamalas ang kanilang husay sa contemporary dance performance.

Patuloy na tutukan ang mas nagiinit pang performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Panoorin dito ang highlights ng performance nina Glaiza De Castro at Joshua Decena:

Samantala, balikan dito ang highlights ng pilot episode ng Stars on the Floor: