What's Hot

Marian Rivera, kinilalang Best Actress sa OFW Gawad Parangal

By Cherry Sun
Published December 10, 2018 12:02 PM PHT
Updated December 10, 2018 12:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Catholics called to follow Joseph’s faith amid hardships on 3rd anticipated Simbang Gabi
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin kung bakit extra special ang award na ito para kay Marian Rivera.

Kinilala si Marian Rivera bilang Best Actress sa OFW Gawad Parangal ng KAKAMMPI o Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.

Ginawad kay Marian ang pagkilala para sa kanyang mahusay na pagganap sa 'Milya-milyang Agwat ng Mag-ina' episode ng kanyang programang Tadhana.

Anang Kapuso Primetime Queen, “Special sa akin ang episode na ito dahil muli kami nagkasama sa trabaho ng asawa ko bilang aking director. Salamat sa'yo Mahal ko, sa suporta, sa pag-aalaga at pag-guide mo sa akin para maibigay ko ang tamang pagganap. Personal man o sa trabaho, you always bring out the best in me. Naks!”

“At lalo pang naging special dahil sa nabigyan ako ng parangal. Salamat pong muli KAKAMMPI,” dugtong ni Marian.

Maraming salamat po sa OFW Gawad Parangal ng KAKAMMPI (Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.) para sa pagkilalang iginawad nyo sa akin bilang Best Actress sa Milya-milyang Agwat ng Mag-ina episode ng Tadhana. Special sa akin ang episode na ito dahil muli kami nagkasama sa trabaho ng asawa ko bilang aking director. Salamat sa yo Mahal ko, sa suporta, pag-aalaga at pag guide mo sa akin para maibigay ko ang tamang pagganap. Personal man o sa trabaho, you always bring out the best in me. Naks! 😘 At lalo pang naging special dahil sa nabigyan ako ng parangal. Salamat pong muli KAKAMMPI.❤️

Isang post na ibinahagi ni Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) noong