
Hindi maitatanggi na isa si Marian Rivera sa mga premyadong aktres sa Philippine showbiz dahil sa husay niya sa kanyang larangan.
Bukod dito, hinahangaan din ang Kapuso Primetime Queen dahil sa kanyang groovy dance moves, na ipinamamalas niya sa social media.
Sa Facebook post ni Marian, in-upload niya ang behind the scenes video, kung saan makikitang pina-practice ng aktres ang dance steps ng kantang “Salamin, Salamin” ng Nation's Girl Group na BINI habang nasa set ng kanyang seryeng My Guardian Alien.
“Ayan naman kapag wala pang take. Tutorial muna ako ng Salamin, [Salamin],” sulat niya sa caption.
Kasalukuyang mayroong mahigit 800,000 views ang naturang video sa Facebook.
Kamakailan lamang ay kumasa ang renowned actress sa Asoka makeup trend ngunit nilagyan niya ito ng twist at nag-transform sa kanyang iconic role na Marimar.
"Taking you back to 2007-- Asoka style," sulat niya sa caption.
Samantala, subaybayan si Marian Rivera sa My Guardian Alien, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.
Maaari ring mapanood ang serye sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.