Article Inside Page
Showbiz News
Nakausap ng 'Startalk' on separate occasions sina Marian Rivera at Rhian Ramos na sinasabing muling nagkakaroon ng issue dahil kay Dingdong Dantes. Si Marian ang real-life girlfriend ng Kapuso Primetime King habang si Rhian naman ang kanyang leading lady sa 'Genesis'.

Nakausap ng
Startalk on separate occasions sina Marian Rivera at Rhian Ramos na sinasabing muling nagkakaroon ng issue dahil kay Dingdong Dantes. Si Marian ang real-life girlfriend ng Kapuso Primetime King habang si Rhian naman ang kanyang leading lady sa
Genesis. Unang nagtambal ang dalawa sa Philippine remake ng
Stairway to Heaven.
Ayon kay Marian, madalas niyang nadadalaw sa set ng
Genesis ang boyfriend dahil sa kanilang dalawa, siya ang hindi mas busy ngayon. "Kasi naniniwala ako na hindi dahilan ang pagiging busy para hindi mo makita ang isang tao kapag gusto mo, Lagi nilang sinasabi, may paraan. So ako, ako 'yung hindi masyadong OA sa pagka-busy, ako 'yung gagawa ng paraan para magkita kami. Kasi 'yan ang ginagawa niya sa akin nung time na ako 'yung sobrang busy."
Nilinaw din niya na hindi niya binabantayan si Dingdong. "Wala namang dapat ipagbantay. Meron pa ba? Wala na," patawa niyang sagot.
May iniwan naman siyang mensahe para sa kanyang mga fans na matagal na rin siyang inaabangan sa telebisyon. "Sabi ko nga, seven months akong natengga. Huwag silang mag-alala dahil next week ay magmi-meeting na kami with the cast tapos baka sa susunod na linggo ay mag-taping na ako."
Samantala, pinabulaanan naman ni Rhian ang balitang pinagseselosan siya ni Marian. "I don't think so naman kasi parang pare-pareho kami ng trabaho so I think alam namin kung ano 'yung mga requirements ng job."
Aniya, "I'm very flattered, and I feel very lucky nga to be a part of a show like this. I'm very, very thankful for it. We've always had a very professional working relationship na kahit ano na ang naririnig namin tungkol sa sarili namin on the news, okay na okay kami magtrabaho."
Nagkita nga daw sila ng Kapuso Primetime Queen sa isang party at nagkakuwentuhan pa. Birthday kasi ng inaanak namin, 'yung anak ni Aubrey Carampel. So happy nga ako na nilapitan niya ako tapos nakapag-usap kami ng ganun. 'Yung mga future plans naming dalawa, parang ganun. Nag-sharing lang kami. Feeling ko kapag showbiz, ganun talaga, parang pinagsasabong."
Nang tanungin naman siya ng
Startalk kung nagseselos ba ang boyfriend niyang si KC Montero kay Dingdong, ito ang kanyang naging sagot. "Ay hindi! Hinding hindi talaga. He understands na trabaho ko 'to."
Abangan si Rhian Ramos sa
Genesis, weeknights after
24 Oras sa GMA Telebabad. Huwag ring palampasin ang upcoming teleserye ni Marian Rivera, soon on GMA. --
Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com