
Mahigit 10 na malalaking maleta ang dinala ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at ng kanyang glam team nang tumungo sila sa Israel para sa 70th Miss Universe Pageant kung saan uupo si Marian bilang isa sa mga hurado.
Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, karamihan ng mga susuotin ni Marian sa Miss Universe events ay gawa ng Filipino designers.
Paliwanag ng stylist ni Marian na si Mel Sy, "'Yung iba kasi depende kung ano 'yung pupuntahan niya kunwari cocktail or gown or kung welcome party, at least covered namin 'yung looks."
"Kung feeling namin underdressed siya, we can change to long gown, depende sa category. Pero 'yung main gown niya, naka-hand carry para safe, para sure."
Gawa ng batikang Filipino fashion designer na si Francis Libiran ang main gown na susuotin ni Marian sa coronation night sa December 12.
Bago ang Miss Universe, tingnan ang mga larawan ni Marian na sumisigaw ng beauty queen dito: