
Matitikman natin muli ang luto ni Yan! Ano kaya ang kanyang lulutuin sa 'Idol sa Kusina?'
Muling magbabalik ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa Idol sa Kusina. Sa kanyang muling pagsali sa kusina nina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos, magluluto sila ng mga Special Pinoy Twists.
Isa sa mga excited sa pagbabalik ni Marian ay ang kanyang kaibigan na si Bettinna. Agad niyang ibinahagi ang isang photo ni Marian sa kanyang Instagram account.
Pahayag ni Bettinna, "Aba aba aba may dilag na nagbabalik at nagluto pa sa aming kusina Kung ano ang napakasarap na Pinoy with a twist dish na hinanda niya gamit ang hipon at itlog na maalat abangan ngayong darating na linggo sa @idolsakusina!!!! #IdolSaKusina"
Ang espesyal na dish na lulutuin ni Marian ay ang HipLog o ang Sauteed Prawns with Itlog na Maalat.
Abangan ang pagbabalik ni Marian Rivera sa Idol sa Kusina ngayong Linggo (March 6) at 7 pm sa GMA News TV.