
Maagang ipinagdiwag ni Boobay ang kanyang kaarawan ngayong taon sa tulong ng kanyang matalik na kaibigang si Marian Rivera.
Ibinahagi ni Boobay sa kanyang Instagram account ang ilang litratong kuha sa kanyang early birthday celebration na naganap daw kagabi, October 31. Ang totoong kaarawan ni Boobay ay sa November 7.
Makikita sa litratong nakagayak na alimango ang komedyante, habang si Marian naman ang naghandog sa kanya ng birthday cake. Kasama rin nila ang iba pang matalik na kaibigan ng Kapuso Primetime Queen.
Ani Boobay, “Maraming maraming salamat sa pagmamahal na lagi mong ipinapadama. Basta pangako, ipaglalaban kita kahit kailan.. Hmmmmm, pigil na pigil luha ko kagabi kasi ayoko makakita ka ng umiiyak na baklang crab. Hihihi. I love you, Loves. Maraming salamat talaga.”