GMA Logo Marian Rivera
What's on TV

Marian Rivera, may mensahe para sa kanyang paboritong leading man

By Aedrianne Acar
Published May 14, 2022 11:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Bago ang premiere ng sitcom na 'Jose and Maria's Bonggang Villa' ngayong Sabado, isang mensahe ang ibinahagi ni Marian Rivera para sa kanyang paboritong leading man.

Punong-uno ng kilig ang Instagram post ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera tungkol sa kaniyang mister na si Dingdong Dantes na tinawag niyang “favorite leading” man.

Ilang beses nang nagtambal ang DongYan sa hindi mabilang na projects tulad ng MariMar (2007), Dyesebel (2008), Endless Love (2010) at My Beloved (2012).

At ngayong Sabado ng gabi, muling mapapanood ang DongYan sa world premiere ng comeback project nila, ang sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa.

Sa post ni Mrs. Dantes, katuparan daw ng pangarap niya na makasama sa isang sitcom si Dingdong.

Sabi ng multi-awarded actress, “To my fave leading man on and off cam, finally after 10 years we're working together again in a show! It's always been my dream to do a sitcom and it's more special because it's with you.”

Isang post na ibinahagi ni Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)

Marami namang netizens and celebrities ang pinusuan ang mensahe na ito ni Marian para sa mister.

marianrivera IG

Gaganap ang Kapuso Primetime couple bilang mag-asawang Jose at Maria na magtatayo ng BNB na tatawagin nilang Bonggang Villa. Ang multi-talented comedian and host na si John 'Sweet' Lapus ang direktor ng much-awaited primetime sitcom na ito ng DongYan.

Silipin ang cast ng sitcom sa gallery na ito: