What's Hot

Marian Rivera, may pangalan na para sa unang anak?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 5:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News



May pangalan na kayang naisip ang Dantes couple para sa kanilang firstborn?
 

By CHERRY SUN
 
Nakausap ng 24 Oras ang Kapuso Primetime Queen nang dumalo ito sa PEP List Awards kung saan itinanghal si Marian Rivera at asawang si Dingdong Dantes bilang Newsmaker of the Year.

 

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on

Dito ay kinumusta ni Tito Lhar ang Kapuso actress na apat na buwan nang buntis. Ayon kay Marian ay malalaman na nila ni Dingdong kung ano ang gender ng kanilang magiging unang anak sa susunod na linggo. May pangalan na kayang naisip ang Dantes couple para sa kanilang firstborn?
 
READ: Marian Rivera gives updates on her pregnancy 
 
Wika ni Marian, “Basta 'pag lalaki laging may Jose. 'Pag babae, sana palaging may Maria. Kasi Mary ako and then Jose siya (Dingdong). Pero 'di ko alam, baka magbago pa rin.”
 
Ikinuwento rin ng aktres na nabawasan ang kanyang morning sickness. Mapapansin din ang pagpayat ni Marian. Aniya, mapili raw siya at puro healthy food na lang ang kinakain dahil determinado siyang i-breastfeed ang anak.
 
“Konti lang ‘yan sa mga dapat ko pang gawin para sa kanya. Kung kaya ko pa ibigay ang lahat para mas maging okay siya at maging healthy, lahat ‘yan gagawin ko,” paliwanag nito.