
Maliban sa pasabog na performances ng dance star duos sa Stars on the Floor, mas pinainit pa ni Marian Rivera ang gabi sa kaniyang bigating announcement.
Sa September 6 episode, ibinahagi ng host na si Alden Richards ang isang mahalagang balita para sa tatanghaling pinaka-top dance star duo sa finale.
Ayon sa kaniya, makakatanggap ng PhP1 million ang mananalo, at ang kalahati nito ay ido-donate sa kanilang chosen charity.
Matapos ang announcement ni Alden, mas ginulat ni Kapuso Primetime Queen ang lahat dahil ipinangako nito na buong PhP1 million ang matatanggap ng mananalo dahil ito ay magdo-donate na ng PhP500,000 para sa pagbibigyan nilang charity.
Sa pasabog na sorpresang ito, naghiyawan ang dance authorities at dance stars, sabay nagbigay ng pasasalamat kay Marian bilang head ng dance authority.
Noong Sabado, nagsilbing world tour ang mga nakamamanghang performances ng dance star duos na naghatid sa dance authorities at viewers sa iba't ibang panig ng mundo.
Itinanghal naman na 9th top dance star duo sina Thea Astley at Joshua Decena matapos nilang magpakitang-gilas sa kanilang dancesport performance na nagpakita ng masiglang kultura ng Brazil.
Samantala, tingnan dito ang glam looks ni Marian Rivera sa Stars on the Floor: