GMA Logo Marian Rivera
What's on TV

Marian Rivera, may showbiz comeback sa 2022?

By Bianca Geli
Published November 12, 2021 12:10 PM PHT
Updated November 12, 2021 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DA: El NiƱo Task Force, naka-activate na I One Mindanao
DMW, pinaigting ang kampanya laban sa online job scams at illegal recruitment
This immersive storytelling museum is inspired by a Korean tale

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Handa na bang magbalik telebisyon si Marian Rivera sa susunod na taon? "Babalik at babalik naman ako, that's for sure."

Sa ika-apat na anibersaryo ng Tadhana, ibinahagi ng weekly drama anthology host na si Marian Rivera ang pasasalamat niya sa GMA dahil sa suporta nito sa kanya at sa pag-ho-host niya mula sa sarili nilang tahanan.

Kuwento ni Marian sa naganap na Tadhana media conference, "Very thankful ako sa Tadhana family ko. Kasi sabi ko hindi ako puwedeng lumabas, so gumawa sila ng pagkakataon o mga scenario para dire-diretso pa rin ang Tadhana.

"Ang conclusion is gawin siya sa bahay. Nandiyan naman si Dong to direct me.

"Noong mga panahon na nasa rurok tayo ng pandemya, hindi ko talaga kayang lumabas, natatakot talaga ako kasi may anak ako. Kung sarili ko lang siguro puwedeng puwede pa. Kaso naisip ko, kung lalabas ako, safe ba akong makakauwi sa mga anak ko? Siyempre hindi ko kakayanin na kung 'yung mga anak ko 'yung tatamaan."

Marami na rin ang naghihintay na mapanood muli ang Kapuso Primetime Queen sa isang drama o pelikula. Handa na ba si Marian na magbalik teleserye o pelikula?

Sagot ni Marian, "Ang hirap sabihin ko on the spot kung oo or hindi. Depende pa rin kasi 'yan sa magiging sitwasyon at protocol ng GMA. Kung konting araw lang naman, bakit hindi? Let's compromise.

"Pero kung lock-in taping na mawawala ako ng isang buwan, para sa mga anak ko, medyo mahirap para sa akin. Dahil siyempre 'yung mga anak ko umaasa sa akin. Pero tingnan natin baka next year mas okay na. Baka mas alam na natin kung paano diskartehan, so tingnan natin."

Gayunpaman, hindi na raw mawawala sa dugo ni Marian ang showbiz at babalik-balikan niya ang pag-arte.

"Hindi na mawawala sa dugo ko 'yan. Nasa daloy na ng dugo ko ang trabahong 'to at hindi ito mawawala kahit tumanda na ako at as long as nandiyan ang GMA for me. Maghihintay lang tayo ng tamang panahon para maging mas maayos ang lahat, mas safe.

"Babalik at babalik naman ako, that's for sure."

Kung usapang proyekto o katambal, tiwala raw si Marian sa magiging desisyon ng GMA.

"Walang masamang tinapay sa akin kahit sinong ibigay ng GMA, I'll look forward to that."

Patuloy na panoorin ang mga fresh episodes ng Tadhana, tuwing 3:15 p.m. bago ang Wish Ko Lang.