GMA Logo marian rivera
Photo by: marianrivera (IG)
What's Hot

Marian Rivera, may summer plans para sa mga anak; may bagong movie kasama si Dingdong Dantes

By Aimee Anoc
Published May 24, 2026 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ruru Madrid begins filming for Cinemalaya entry 'Kamay ni Bathala'
Rodjun Cruz and Dianne Medina explore Switzerland
26 rescued from structure that collapsed in Pampanga

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera


May aabangang bagong pelikula sa celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Abala man sa kabi-kabilang proyekto, focused pa rin si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang mommy duties sa mga anak na sina Zia at Sixto.

Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, ibinahagi ni Marian na may summer plans na siya para sa nalalapit na bakasyon ng mga anak sa school.

"Summer activities, oo, ang daming gustong mangyari ng mga bata. Every time mag-e-end 'yung school, palagi akong nagtatanong sa mga kids ko na 'Anong gusto n'yong i-achieve ngayong bakasyon?' So, bibigyan nila ako ng list tapos aayusin ko," sabi ng aktres.

Ikinuwento rin ni Marian ang iba pang mga proyektong pagkakaabalahan sa mga susunod na buwan.

Bukod sa pagiging judge sa Stars on the Floor 2026, gagawa siya ng pelikula kasama ang asawa at The Master Cutter lead actor na si Dingdong Dantes.

"By next month, sisimulan na namin 'yung movie namin ni Dong," sabi niya.

Related gallery: The many achievements of Marian Rivera