
Tinatahak pa rin nina Kapuso Primetime Couple Marian Rivera at Dingdong Dantes and Europe kasama ang kanilang anak na si Baby Zia.
Matapos mamasyal sa France at The Netherlands, may stopover din ang pamilya sa Spain.
Siyempre, hindi pinalampas ni Marian na bisitahin ang kanyang amang si Francisco Javier Gracia habang narito.
Kapansin pansin din ang hoodie ni Marian na bahagi ng isang local brand na madalas niyang isuot sa partikular na byaheng ito.
IN PHOTOS: Marian Rivera, ibinida ang kanyang Pinoy shirts sa Europe
Suot din ng kanyang ama ang t-shirt na may disenyong Pinoy.