GMA Logo Marian Rivera
What's Hot

Marian Rivera, na-overshadow ang mga kandidata ng Miss Universe?

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 8, 2021 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Ayon sa talent manager na si Lolit Solis, "Totoo naman na na-overshadow ni Marian Rivera ang mga candidates ng Miss Universe...."Basahin ang buong detalye dito:

Sumang-ayon ang beteranang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis na na-overshadow ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang mga kandidata ng darating na 70th Miss Universe Pageant.

Dagdag pa ni Lolit, nakatulong ang bashers upang mas lalong pag-usapan ang pagiging hurado ni Marian sa prestihiyosong pageant.

Aniya, "Tutoo naman na na overshadow ni Marian Rivera ang mga candidates ng Miss Universe dahil sobrang ingay ng publicity [na] ibinigay sa kanya."

"Actually, nakatulong pa ang mga bashers dahil ng ipinukol nilang issue sa pagkakapili kay Marian Rivera lalo pa itong umingay at napansin ng lahat.

"Talagang lakas ng dating ni Marian Rivera, nega o positive, nasa kanya ang attention. Kaya naman lalo pa siyang kinaiinggitan ng marami.

"Imagine mo, hindi napag-usapan ang mga candidates, ang pinag usapan si Marian Rivera kaya naging curious pang lalo sa kanya pati international market."

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Kasalukuyan nang nasa Israel si Marian kasama ang kanyang asawang si Dingdong Dantes para sa gaganapin na 70th Miss Universe coronation night sa December 12.

Samantala, tingnan rito ang mga larawan ni Marian na suot ang gawa ng ilang acclaimed fashion designers: